Saturday, November 17, 2012

PANGANGALAP NG MGA IMPORMASYON

Impormasyon para sa BROCHURE

Ang BROCHURE na aming nilikha ay naglalaman ng mga bagay na may kinalaman sa Food Service ng Canteen 1 sa aming paaralang Cavite National Science High School at Health Service ng aming Clinic.

Nagsimula ang aming pangangalap ng impormasyon noong ika-13 ng Nobyembre, biyernes. Nagkaroon ng interbyu at pagkuha ng mga larawan sa ibinigay na isang oras para mangalap ng impormasyon.

ISUSUNOD ANG MGA LARAWAN


Saturday, November 10, 2012

Mga Dapat at 'Di Dapat Gawin sa Blog

Para magkaroon ng mas maayos at kaaya-ayang BLOG, alamin ang mga opinyon namin...



Anu-ano ang mga dapat nating gawin?.....


"Dapat tayong magbahagi o magpost ng mga positibong bagay, mga bagay na kaaya-aya at may kaayusan na makapagdudulot ng kabutihan."

-Geline D. Lontoc


" Dapat ilagay ang mga impormasyong galing sa sarili at tunay."

-John Iverson P. Fucieran


"Mga dapat ilagay sa BLOG:
A. Mga impormasyong makabubuti
B. Mahahalaga at mabuting bagay na nangyari o pangyayari"

-Guianna Therese E. Dendiego


"Dapat nating ikontrol ang mga inilalagay natin sa net/blog. Dapat tayong maging pribado."

-Ceciree R. Villanueva


"Mga Dapat Gawin:
-Ilagay lamang ang mga detalyeng may kinalaman sa topic na ibinigay ng guro
-Kung maaari, maglagay ng larawan"

-Alex Jade Ausan


"Dapat ay isulat ang mga importanteng bagay na dapat malaman ng ibang tao kagaya ng mga assignment na sinabi ng guro na sabihin sa ibang kaklase. Kung ito ay sinabi noong weekends at ipapasa sa Monday."

-Mary Rose Angeles



Anu-ano naman ang mga bagay na hindi dapat gawin?....



"Hindi dapat tayo nagpopost o nagbabahagi ng mga bagay na makasisira sa pagkatao ng iba o mga bagay na masama dahil napakaraming tao ang makakakita nito."

-Geline D. Lontoc


"Mga impormasying ikasisira ng iba kung ilalagay"

-John  Iverson P. Fucieran


"Hindi dapat isulat:
A. Makasisira sa iyo o ibang tao
B. Mga bagay o impormasyon na hindi mo ginawa o ito ay kinopya mo lamang
C. Walang mabuting bagay na maidudulot."

-Guianna Therese E. Dendiego


"Hindi dapat tayo naglalagay ng mga pribadong bagay tungkol sa atin sa net/blog."

-Ceciree R. Villanueva


"Mga hindi dapat:
-Wag maglagay ng mga detalyeng walang kinalaman sa topic na ibinigay ng guro
-Wag nang maglagay ng mga detalyeng walang katuturan."

-Alex Jade Ausan


"Di dapat ilagay ang mga bagay na personal na di na dapat sinasabi sa lahat."

-Mary Rose Angeles

.......................................................................................................................

KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG BLOG

ANU-ANO NGA BA ANG KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG ISANG BLOG?



ALAMIN ANG AMING MGA OPINYON...


"Kung mayroon tayong BLOG, maipararating natin sa ibang tao ang mga saloobin, pangyayari, karanasan o di kaya ang mga bagay na makatutulong sa nakararami upang makapagbahagi."

-Geline D. Lontoc


"Puwede nitong maipakita kung ano ang mga lugar sa ibang bansa o opinyon sa mga balita."

-John Iverson P. Fucieran


"Makatutulong ang mga bagay na nakalagay dito sa mga makakakita at magkakaroon tayo ng compilation ng mga bagay o pangyayari sa ating buhay."

-Guianna Therese E. Dendiego


"Maaari tayong makatulong sa iba. Maipahahayag natin dito ang ating mga saloobin."

-Ceciree R. Villanueva


"Maipahahayag namin sa BLOG ang aming mga natututunan sa mga pagsasaliksik at maipahahayag rin namin ang aming mga opinyon."

-Alex Jade Ausan


"Kaya mong maipakita o masabi ang mga bagay na gusto mong sabihin sa ibang tao na malayo."

-Mary Rose Angeles

...................................................................................................................................................

GROUP 1! (Cavite National Science High School)

KILALANIN NINYO KAMING LAHAT...


Meet us!


Geline D. Lontoc ng Trece Martires City, Cavite
"LEADER"

Guianna Therese E. Dendiego ng Magallanes, Cavite

Ceciree R. Villanueva ng Magallanes, Cavite

Mary Rose Angeles ng Maragondon, Cavite

Alex Jade Ausan ng Naic, Cavite

John Iverson P. Fucieran ng Naic, Cavite