Saturday, November 10, 2012

Mga Dapat at 'Di Dapat Gawin sa Blog

Para magkaroon ng mas maayos at kaaya-ayang BLOG, alamin ang mga opinyon namin...



Anu-ano ang mga dapat nating gawin?.....


"Dapat tayong magbahagi o magpost ng mga positibong bagay, mga bagay na kaaya-aya at may kaayusan na makapagdudulot ng kabutihan."

-Geline D. Lontoc


" Dapat ilagay ang mga impormasyong galing sa sarili at tunay."

-John Iverson P. Fucieran


"Mga dapat ilagay sa BLOG:
A. Mga impormasyong makabubuti
B. Mahahalaga at mabuting bagay na nangyari o pangyayari"

-Guianna Therese E. Dendiego


"Dapat nating ikontrol ang mga inilalagay natin sa net/blog. Dapat tayong maging pribado."

-Ceciree R. Villanueva


"Mga Dapat Gawin:
-Ilagay lamang ang mga detalyeng may kinalaman sa topic na ibinigay ng guro
-Kung maaari, maglagay ng larawan"

-Alex Jade Ausan


"Dapat ay isulat ang mga importanteng bagay na dapat malaman ng ibang tao kagaya ng mga assignment na sinabi ng guro na sabihin sa ibang kaklase. Kung ito ay sinabi noong weekends at ipapasa sa Monday."

-Mary Rose Angeles



Anu-ano naman ang mga bagay na hindi dapat gawin?....



"Hindi dapat tayo nagpopost o nagbabahagi ng mga bagay na makasisira sa pagkatao ng iba o mga bagay na masama dahil napakaraming tao ang makakakita nito."

-Geline D. Lontoc


"Mga impormasying ikasisira ng iba kung ilalagay"

-John  Iverson P. Fucieran


"Hindi dapat isulat:
A. Makasisira sa iyo o ibang tao
B. Mga bagay o impormasyon na hindi mo ginawa o ito ay kinopya mo lamang
C. Walang mabuting bagay na maidudulot."

-Guianna Therese E. Dendiego


"Hindi dapat tayo naglalagay ng mga pribadong bagay tungkol sa atin sa net/blog."

-Ceciree R. Villanueva


"Mga hindi dapat:
-Wag maglagay ng mga detalyeng walang kinalaman sa topic na ibinigay ng guro
-Wag nang maglagay ng mga detalyeng walang katuturan."

-Alex Jade Ausan


"Di dapat ilagay ang mga bagay na personal na di na dapat sinasabi sa lahat."

-Mary Rose Angeles

.......................................................................................................................

No comments:

Post a Comment